Created: November 8, 2014 | Updated: November 8, 2014
Genre : Biography
Language : Filipino
Reviews: 2 | Rating:
Share this:
Isang daang linya na nagkukuwento
Nang kasaysayan ng buhay ng isang
estudyanteng tinatawag nating si Joy.
Simula sa pinagmulan ng pangalan niya.
Isang batang ipinanganak bilang Blanche,
Na ang pangalan ay nangangahulugang maputi.
Ugali, maputi din sa simula, pareho ng lahat ng tao
At pareho ng lahat, umiiba ang ugali sa paglaki.
Sa ika-anim na taon ng pagkatao,
Sa ikalabimpitong araw nang Setyembre,
Pero, sabi ni mommy niya,Joy na daw ang pangalan niya.
Sa paglaki, naunawaan niya sa sa taong iyon,
May ipinanganak na Blanche din ang pangalan.
Sa pag-intindi niya, ayaw ni mommy at daddy
niyang may kapangalan siya kundi, pinalitan tuloy.
Sa pag-intindi niya, Joy ang pinalit sa Blanche
Dahil, isang titik na pinapalitan ay limang libong
pisong gastos para sa kanila. Kundi Joy, para cheap.
Sabi daw nang Papa niya, sana, ang pangalan niya,
Maria Felicidad pero ayaw ni daddy eh, baka
Magka-identity crisis ang bata daw.
Tama naman si Kap eh, hindi keri ni apo ang Maria.
Hindi pa pala ipinakilala ang pamilya ni Joy
Sa libreng taludtod na ito.
Kung siya ay tanungin kung ilan ang magulang,
Anim na magulang sasabihin niya.
Si lola at lolo na tinatawag na mommy at daddy,
Sina Mama at tito, na nanay at step-father,
At si Papa at Mommy Hunter, tatay at step-
Mother.
Isang kumpisal para sa nambabasa nito,
Ang pangunahing tauhan sa tula ay
Gumagamit parin nang diaper sa pagtulog
Hanggang sa pagka-grade five niya.
Walong taong gulang pa lang
Nakaranas nang puppy love,
Mister and Miss Japan noong UN,
Pero talaga, mas pabor na sana, Mister and Missus
Nalang, sabi nang mga classmates.
Ikatlong grado, nawasak ang illusyon.
Nawala ang Mister, lumipat bansa,
Limang taon nang lumipas, ang nararamdaman,
Stay Strong pa din ang feelings.
Pagkatapos niya ng pangmababang baiting,
Sinabihan siyang mag hayskul sa Colegio De San Jose
Kasama nang kanyang dalawang pinsan, dahil hga,
Sa paaralan na iyon, maraming Evidente na sa alumni.
Sabi niya, ‘Sige nga!’ at hindi siya nag-apply pa
Sa ibang paaralan dahil sinabihan siyang
Wala na talagang mas magaling pa na paaralan.
Mali sila. Mali. Mali. Mali.
Sampung buwan lamang ay nag-iba ang ugali niya.
Noon, inaakala niyang pagiging hindi kaparis ay tinatanggap,
Sa paaralang iyon, hindi pala.
Mga kamag-aral, halos lahat ay nang-api.
Sampung buwan nang paikot-ikot tanong,
‘Meron pa bang makatanda sa akin kung mawala ako ngayon?’
Sampung buwan na sagot sa kanya nang katabi niya sa upuan,
‘Don’t’ be stupid, go back to writing about Sawrii.’
Siguro naman merong taong nagging kaibigan niya,
Isang German, ilang girl scouts,
Pero, ang hinanap niyang pagtanggap, hindi nakita,
Tinago at ipinawala
At pagkatapos nang sampung buwan,
Lumayo siya, hindi niya na kinaya pa ang naramdaman
Isang text sa kay mama,
Entrance exam agad agad sa Hua Siong.
Gumanda ang buhay,
Tinuruan siyang magbuhay ulit.
Ang kinuhang ilaw nang mga mang-api,
Kinuha nang Hua Siong at ipinabalik.
Third year highschool siya noong umalis siya sa kanyang
Preso para sa isa.
Binuksan niya ang kanyang pinto at
Pinalaya ang mga abo ng sunog na namatay na.
Ang kamay niyang natakot masunog,
Parehong kamay na pumatay sa sunog,
Nakalaya na sa kanyang taguan,
At hindi na babalik pa.
Pinayagan niya ang kanyang sarili na bumuhya,
Binigyan niya ng chansa ang mga Gawain na hindi pa nagawa,
Pero,
Alam niya na kulang ang oras na para sa mga ganito
Dahil nahuli siya sa buhay,
Dahil sa sampung buwan,
Dahil sa pagiging iba,
Dahil, dahil,
Dahil alam niya na ang nasayang oras ay hindi na maibalik.
Kahit ganoon, tinuloy niya parin
ang mga Gawain,
hanggang sa hindi na niyang kinaya,
hanggang bumaba ang marka niya,
kinaya niya.
Unti unting lumayas ang masamang maligning nagtago,
Ang sunog na nilalaruan ni Joy,
Ang paglaro nang sunog ay masaya, nakaka-buhay,
At hanggang ngayon, hindi pa tapos.
Ang mga tao ay naglalaro sa sunog,
Kung minsan, pwedeng masaktan at masunog,
Kung minsan, pwedeng makapanalo sa laro,
At pwedeng maglaro hanggang sa huling hininga.
TAPOS
Reviews (2)
-
-
Better than the summary suggests. Has a well developed plot and meaningful dialogue and is a clean read with the occasional minor error. This is a very engaging story with characters that, though slightly confusing/complicated, are all unique and have their own distinct personality. An enrapturing tale.
Rating:
January 21, 2014 Flag